#AgatonPH halos hindi gumalaw sa bahagi ng San Pablo Bay

By Angellic Jordan April 11, 2022 - 02:29 PM

Halos hindi gumalaw ang Tropical Depression Agaton sa bahagi ng San Pablo Bay.

Sa abiso ng PAGASA bandang 2:00, Lunes ng hapon (April 11), huling namataan ang sentro ng bagyo sa karagatang-sakop ng Marabut, Samar dakong 1:00 ng hapon.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.

Bunsod nito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

LUZON:
– Southern portion ng Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan)

VISAYAS:
– Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northeastern portion ng Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) including Camotes Island, at eastern portion ng Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini)

MINDANAO:
– Surigao del Norte at Dinagat Islands

Inaasahang magdadala pa rin ang bagyo ng katamataman hanggang sa mabigat na buhos ng pag-ulan sa Sorsogon, Masbate, Romblon, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northern at central portions ng Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands, northern portion ng Negros Oriental, northern portion ng Negros Occidental, Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa Dinagat Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Quezon, at nalalabing parte ng Bicol Region at Visayas.

Sinabi pa ng weather bureau na mananatili ang bagyo bilang tropical depression.

Sa araw ng Lunes hanggang Martes ng hapon, April 12, inaasahang dahan-dahang iikot ang bagyo sa binisidad ng northeastern portion ng Leyte at southern portions ng Samar at Eastern Samar bago umabot sa Philippine Sea sa Martes ng gabi.

TAGS: #weatheradvisory, AgatonPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, weatherupdate, #weatheradvisory, AgatonPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.