Prison Reform Bills isinusulong ni Sen. Leila de Lima
Dahil sa napa-ulat na pagdami ng kaso ng tuberculosis sa hanay ng mga preso sa National Bilibid Prison (NBP) at sa ilang pasilidad pa ng Bureau of Corrections (BuCor), muling isinusulong ni reelectionist Senator Leila de Lima ang Comprehensive Prison Reform Bill.
Sinabi nito na ang panukala ang magbibigay solusyon sa mga problema at isyu sa BuCor, maging sa ibang mga kulungan sa bansa.
“Sa pamamagitan lamang ng malawakang reporma – structural, organizational and physical reforms – masosolusyunan ang sandamakmak na mga problema sa Bilibid at iba pang mga kulungan. Hindi sapat ang mga panandalian o short-term band-aid solutions lang sa ganitong suliranin, katulad ng paggiba sa mga kubol,” dagdag pa ni de Lima.
Aniya ang paunang problema ay siksikan ang mga kulungan kayat madali na nagkakahawaan ng kung ano-anong mga sakit ang mga preso o detenido., gayundin ang mga ilegal na aktibidades.
Nakumpirma na sa 208,000 persons deprived of liberty (PDL) sa Bilibid, 200 ang may tuberculosis at sila ay na-isolate na habang ginagamot.
Pagdidiin ni de Lima ang karapatan para sa maayos na kalusugan ay para sa lahat at kasama na maging ang mga nakakulong at ito aniya ay responsibilidad ng gobyerno.
Noong 18th Congress, inihain ni de Lima ang Senate Bill No. 180 o ang Prison Reform Act of 2019, gayundin ang Senate Bill. 181 o ang Unified Corrections and Jail Management System Act of 2019.
Layon ng dalawang batas na magkaroon ng komprehensibong reporma sa sistema sa mga kulungan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.