Pinsan ni Sara Duterte si Kiko Pangilinan ang VP candidate
Sa halip na ang kanyang pinsan na si Sara Duterte ang kanyang iendorso, sinuportahan ni Nuelle Duterte si Kiko Pangilinan sa pagka-pangalawang pangulo.
Nangyari ang pag-endorso sa isang virtual meeting at ayon kay Nuelle hindi mahalaga ang pangalan, kundi ang track record kayat si Pangilinan ang kanyang napiling suportahan.
Pinuri ni Nuelle ang ‘Hello Pagkain, Goodbye Gutom’ slogan ni Pangilinan.
“I think Pangilinan’s campaign battle cry would be really relevant especially in Mindanao, not just Davao, because there’s a lot of farmlands, a lot of agricultural lands there. In that sense, his advocacies and his work are relevant to the people of Mindanao,” dagdag pa ni Nuelle.
Una nang sinabi ni Nuella, na isang psychiatrist, na hindi sapat ang kakayahan ng kanyang pinsan upang pamunuan ang bansa nang umugong ang pagtakbo sa pagka-pangulo ni Duterte.
Ngayon kandidato sa pagka-pangalawang pangulo si Duterte, sinabi ni Nuelle na hindi pa rin nagbabago ang kanyang impresyon sa kanyang pinsan.
Aniya ang kanyang impresyon ay base sa kanyang karanasan, obserbasyon at pag-aaral sa pamumuno ng mga naka-upong miyembro ng pamilya Duterte.
“[They have] a sense of entitlement when it comes to public office. Not just three or four of them. It’s a familial sense of entitlement to being in government and having positions in government,” sabi pa nin Nuelle patukoy kina Pangulong Duterte at sa mga anak nitong sina Sara, Pulong at Baste.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.