2 ‘landmark bills’ ni Sen. Win Gatchalian malapit ng maging batas
Kumpiyana si Senator Sherwin Gatchalian na malapit nang pirmahan para maging ganap na batas ang dalawang isinulong niyang panukala.
Ito ang SIM Card Registration Act, gayundin ang Electric Vehicle Industry Development Act, na ang mga kopya ay ipinadala sa Malakanyang noong Marso 15 at 17.
“Malaking tulong para sa mga awtoridad na mapabilis ang paglutas ng mga krimen o magkaroon ng pagkakakilanlan ang mga kriminal kapag batas na ang pagpaparehistro ng mga SIM card,” katuwiran ni Gatchalian.
Naniniwala ito na kapag naging ganap na batas ang nabanggit na panukala malaking tulong ito upang maiwasan ang text scams, ang pag-aalok ng kung ano-anong trabaho sa pamamagitan ng text, at smishing.
Samantala sa pamamagitan naman ng Electric Vehicle Industry Development Act ay magtatakda na ng parking spaces at charging points para sa mga electric vehicles.
Paliwanag niya sa pamamagitan ng kanyang panukala, makakatipid sa pga-konsumo ng hanggang 146.56 milyong bariles ng langis kada taon o P510 bilyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.