Signal Number 2 itinaas sa ilang lugar dahil sa Bagyong Agaton

By Chona Yu April 10, 2022 - 09:24 AM

Itinaas na ng Pagasa ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Eastern Samar, Samar, at Dinagat Islands.

Ito ay dahil sa patuloy na lumakas ang Bagyong Agaton.

Ayon sa Pagasa, nasa Signal Number 2 ang southern portion ng Eastern Samar, ito ay ang mga bayan ng Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, Llorente;  extreme southern portion ng Samar particular na sa bayan ng Marabut; at northern portion ng Dinagat Islands sa mga bayan ng Loreto at Tubajon.

Nasa Signal Number 1 naman ang natitirang bahagi ng Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Camotes Islands, Surigao del Norte at Dinagat Islands.

Namataan ang sentro ng bagyo sa karagatan ng Guiauan, Eastern Samar.

Taglay ng bagyo ang hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na 80 kilometro kada oras.

Patuloy na makararanas ng malakas na pag-ulan ang Eastern Visayas at Dinagat Islands.

Makararanas naman ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Surigao del Norte, Agusan del Norte, Bohol, at northern at central portions ng Cebu kasama na ang Bantayan at Camotes Islands.

Ayon sa Pagsa, stationary ang Bagyong Agata at dahan-dahang kikilos sa west northwestward ng southern portion ng Eastern Samar.

Sa Martes ng tanghali, inaasahang kikilos ang bagyo sa eastward at makikipag-interact sa paparating na bagyo na may international name na Malakas.

 

TAGS: Bagyong Agaton, Dinagat Islands, news, Radyo Inquirer, Samar, Signal Number 2, Bagyong Agaton, Dinagat Islands, news, Radyo Inquirer, Samar, Signal Number 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.