Bagyong Agaton, lumakas, apat na lugar nasa Signal Number 1

Bahagyang lumakas ang Bagyong Agata habang tinatahak ang eastern seaboard ng Eastern Visayas.

 

Ayon sa 5:00pm advisory ng Pagasa, taglay ng bagyo ang hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.

 

Namataan ang bagyo sa 130 kilometro silangan ng Southeast ng Guiauan, Eastern Samar.

 

Nasa Tropical Cyclone Signal Number 1 ang Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao, at Bucas Grande Islands.

 

Inaasahang magiging stationary ang bagyo o dahan-dahang kikilos sa karagatan ng Eastern Visayas.

 

Posibleng mag-landfall ang bagyo sa Eastern Samar.

 

Pero maaring mabago ang direksyon ni Agaton kung magkakaroon ng interaksyon sa paparating na tropical cyclone na may international name na Malakas.

 

Read more...