Bagyong Agaton, lumakas, apat na lugar nasa Signal Number 1

By Chona Yu April 09, 2022 - 05:27 PM

Bahagyang lumakas ang Bagyong Agata habang tinatahak ang eastern seaboard ng Eastern Visayas.

 

Ayon sa 5:00pm advisory ng Pagasa, taglay ng bagyo ang hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.

 

Namataan ang bagyo sa 130 kilometro silangan ng Southeast ng Guiauan, Eastern Samar.

 

Nasa Tropical Cyclone Signal Number 1 ang Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao, at Bucas Grande Islands.

 

Inaasahang magiging stationary ang bagyo o dahan-dahang kikilos sa karagatan ng Eastern Visayas.

 

Posibleng mag-landfall ang bagyo sa Eastern Samar.

 

Pero maaring mabago ang direksyon ni Agaton kung magkakaroon ng interaksyon sa paparating na tropical cyclone na may international name na Malakas.

 

TAGS: Bagyong Agaton, Bagyong Malakas, Bucas Grande Islands, Dinagat Islands, eastern samar, news, Radyo Inquirer, siargao, signal number 1, Bagyong Agaton, Bagyong Malakas, Bucas Grande Islands, Dinagat Islands, eastern samar, news, Radyo Inquirer, siargao, signal number 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.