Hinikayat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang publiko na gayahin ang kabayanihan ng mga Filipinong sundalo na nakipaglaban sa mga Hapon noong World War II.
Pahayag ito ni Lorenzana sa paggunita ngayong araw ng ika-80 Araw ng Kagitingan.
Ayon kay Lorenzana, dapat isapuso ng bawat Filipino ang ipinaglaban noon ng mga beterano.
Dapat aniyang patuloy na mag-alab sa puso ng mga susunod na henerasyon ang kabayanihan ng mga war veteran.
Pinangunahan ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines ang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan.
Hindi naman nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte at si Justice Secretary Menardo Guevarra na lamang ang kanyang naging kinatawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.