OFW Centers dapat itayo sa buong bansa-Senador Bong Go

By Chona Yu April 09, 2022 - 04:58 PM

Sinegundahan ni Senador Bong Go ang balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtano ng Overseas Filipino Workers Centers sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Go, ito ay para mapadali ang pag-aasikaso ng mga OFW ng mga kinakailangang papeles sa pagtatrabaho sa abroad.

Ang OFW Centers ay isang one-stop shop kung saan matatagpuan ang ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan.

Magkasama sina Pangulong Duterte at Go sa groundbreaking ceremony ng OFW Center sa Las Pinas City.

“Higit kumulang sampung porsyento ng ating populasyon ang nasa abroad. Mahirap po mawalay sa sariling bayan para lang buhayin ang pamilya at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang inyong mga anak,” pahayag ni Go.

“Kaya bilang mambabatas, ginagawa ko ang lahat upang maipaglaban ang kanilang kapakanan. Huwag nating ipagkait sa Pilipino kung ano po ‘yung nararapat sa kanila, lalung-lalo na sa ating OFWs at iba pang overseas Filipinos. Itinuturing nga natin silang mga bagong bayani,” dagdag ng Senador.

 

 

TAGS: bong go, news, OFW CEnters, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, bong go, news, OFW CEnters, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.