Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad sa susunod na linggo

Bababa ang presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

 

Ayon sa kompanyang Unioil Petroleum Philippines,mababawasan ng P.20 hanggang P0.30 ang presyo ng diesel kada litro.

 

Aabot naman sa P0.90 hanggang P1.00 ang ibaba sa presyo ng gasolina kada litro.

 

Matatandaang tumaas ang presyo sa produktong petrolyo dahil sa ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine.

 

Wala pa namang abiso ang ibang kompanya ng langis kung magpapatupad din ng rollback.

 

 

Read more...