Kaso ng COVID-19 posibleng tumaas pagkatapos ng eleksyon

By Chona Yu April 09, 2022 - 03:15 PM

Nagbabala ang National Task Force agains COVID-19 na posibleng muling tumaas ang magpositibo sa COVID-19 pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 9.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Doctor Ted Herbosa, medical adviser ng NTF, dagsa kasi ang mga tao sa mga campaign rally.

Bukod dito, magkakaroon din ng mga religious gatherings gaya ng Ramadan, Semana Santa at iba pa.

Paliwanag ni Herbosa, sama-samang kumakain ang mga Muslim tuwing Ramadan habang nagmimistulang reunion sa mga katoliko ang Semana Santa.

Sinabi pa ni Herbosa na ang mga political rallies at religious gatherings ay maituturing na mga super spreader events.

Hindi aniya maikakaila na muling magkaroon ng surge o pagdami ng mga taong tatamaan ng COVID-19.

 

TAGS: COVID-19, eleksyon, news, Radyo Inquirer, surge, Ted Herbosa, COVID-19, eleksyon, news, Radyo Inquirer, surge, Ted Herbosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.