Silent majority magpapanalo kay Isko sa Mayo 9

By Chona Yu April 09, 2022 - 01:49 PM

Kumpiyansa si Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno na maipapanalo na ang sarili sa eleksyon sa Mayo 9 sa pamamagitan ng boto ng silent majority.

Sa pangangampanya ni Moreno sa Cebu, sinabi nito na malaki ang papel na gagampanan ng lower middle class pati na ang mga tinatawag na urban at rural poor.

Sa paniwala ni Moreno, siya ang magiging ika-17 pangulo ng bansa.

Ayon kay Moreno, base sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga botante, marami sa kanila ang nagsabing takot sumagit sa mga survey sa pangambang bweltahan ng mga taga-suporta nina presidential candidates Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Leni Robredo.

“Sa sobrang away nila natatakot na ‘yung tao baka mawalan siya ng trabaho, baka hindi siya mabilhan sa tindahan niya o baka awayin siya ng kapitbahay niya, mawalan siya ng kaibigan, ina-unfriend siya, mapagsalitaan siya ng masakit kaya tumatahimik na lang. Feeling ko ire-reserve nila ‘yung boto nila sa takdang panahon,” pahayag ni Moreno.

Ibinunyag pa ni Moreno na ang mga malalaking pulitiko at ang mga political oligarch ay patuloy na namimili ng boto ng mga tao.

Katunayan, sinabi ni Moreno na may lumapit na rin sa kanya na ilang political groups ang nag-aalok na mag-mobilize ng malaking suporta sa isang political party kapalit ng malaking halaga.

 

 

TAGS: eleksyon, Isko Moreno, news, Radyo Inquirer, silent majority, urban and rural poor, eleksyon, Isko Moreno, news, Radyo Inquirer, silent majority, urban and rural poor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.