West Philippine Sea pinag-usapan nina Pangulong Duterte at President Xi

FILE PHOTO

 

Sumentro sa usapin sa West Philippine Sea at gulo sa Russia at Ukraine ang naging pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa pamamagitan ng telephone summit.

 

Ayon sa pahayag ng Malakanyang, nagkasundo ang dalawang lider na magkaroon ng kapayapaan at stability sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

 

Nagkasundo din ang dalawnag lider na itulak ang “mutually agreeable framework for functional cooperation sa pagitan ng Pilipinas, China at mga bansang kasapi sa Southeast Asia.

 

Nabahala rin sina Pangulong Duterte at President Xi sa nangyayaring giyera sa Ukraine at Russia.

 

Nanawagan ang dalawang lider na idaan sa mapayapang paraan sa pamamagitan ng diyalogo ang gulo sa Ukraine at Russia.

 

Tinalakay din ng dalawa ang pandemya sa COVID-19 pati na ang usapin sa pagpapalago sa ekonomiya, imprastraktura gaya ng Build,build,build program, two way trade investement, climate change at iba .

 

Read more...