Bagyong Agaton, nanalasa sa bansa, Signal Number 1 itinaas sa ilang lugar
Isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 1 ang Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao, at Bucas Grande Islands.
Ito ay matapos maging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Pagasa sa Eastern Samar.
Ayon sa Pagasa, nanalasa ngayon ang Bagyong Agaton sa 130 kilometers east southeast ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometers per hour at pagbugso na 55 kilometers per hour.
Makararanas din ng pag-ulan hanggang sa Sabado o Linggo ng umaga ang Eastern Visayas, Dinagat Islands, at Surigao del Norte habang bahagyang pag-ulan ang mararanasan sa Masbate, Sorsogon at natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon sa Pagasa, mananatiling stationary ang bagyo o dahan-dahang kikilos sa karagatan ng east of Eastern Visayas.
Posibeng mag-landfall ang bagyo sa karagatan ng Eastern Samar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.