Bulkang Taal ibinaba na sa Alert Level 2

Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Alert Level 2 (decreased unrest) mula sa Alert Level 3 (magmatic unrest)ang Bulkang Taal sa Batangas.

Ayon sa Phivolcs, humina na ang pag-aalburuto ng bulkan sa nakalipas na linggo.

Bumaba na rin ayon sa Phivolcs ang volcanic degassing at volcanic earthquake sa main crater ng bulkan.

Simula Marso 26, nasa 86 volcanic earthquakes na may mahihinang magnitude na lamang ang naitala sa bulkan.

Wala na ring naitatalang seismic activity sa bulkan.

Read more...