Abiso sa mga motorista.
Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Lungsod ng Maynila sa weekend.
Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), hindi muna maaring daanan ng mga motorista ang kahabaan ng Maria Orosa Street at T.M. Kalaw Avenue simula 4:00, Sabado ng hapon (April 9).
Sarado ang nasabing kalsada para sa idaraos ng event hanggang sa araw ng Linggo, April 10.
Pinayuhan naman ang publiko na dumaan sa alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.