CAAP, handa na sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Semana Santa

Sa ikinasang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2022,’ aktibo na rin ang operational measures ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa gitna ito ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Semana Santa simula April 10 hanggang 18, 2022 at sa panahon ng tag-init.

Itinatag ang maximum deployment ng mga service at security personnel sa 12 Area Managers na may hawak ng 42 CAAP-managed airports na may commercial flights sa bansa.

Ipinatupad ang ‘no leave’ policy sa kasagsagan ng Oplan Biyaheng Ayos.

Ayon kay Director General Captain Jim Sydiongco, patuloy ang pagpapatupad ng mga panuntunan sa CAAP airports upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pasaherong magbabakasyon at pauwi sa iba’t ibang probinsya.

Hihigpitan din ang pagbabantay sa seguridad sa lahat ng paliparan sa bansa.

Magkatuwang ang mga airline company at lokal na pamahalaan sa mabisang pagproseso ng mga biyahe ng mga pasahero, lalo na sa check-in counters.

Magtatalaga rin ng karagdagang airline personnel para maserbisyuhan ang mga biyahero.

Magtatayo rin ng Malasakit Help Desks upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga pasahero.

Read more...