P3.57-M halaga ng shabu, nasabat sa tatlong drug suspect sa Cebu City
Arestado ang tatlong high-value individuals sa ikinasang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Guadalupe sa Cebu City noong April 7, 2022.
Sanib-pwersa ang City Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office, City Intelligence Unit at RPDEU sa naturang operasyon.
Nakumpiska sa operasyon ang P3.57 milyong halaga ng shabu.
Kinilala ang hinihinalang drug traffickers na sina Iveen Migabon Pedrano, 23-anyos; Eugene Belamia Arces, 22-anyos; at Bernadeth Malubay Baslag, 23-anyos.
Kabilang ang tatlong hinihinalang drug traffickers sa Regional level watchlist.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, mahaharap ang tatlong hinihinalang drug traffickers sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
“They are relatively young but they belong to the persons whom we are closely monitoring due to their reported drug transactions,” saad ni Carlos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.