Libreng sakay, hatid ng MMDA para sa mga stranded na pasahero sa Commonwealth-Litex
Simula sa araw ng Biyernes, April 8, nagtalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga bus na libreng masasakyan sa bahagi ng Commonwealth-Litex sa Quezon City.
Layon nitong matugunan ang reklamo ng mga commuter dahil sa kakulangan ng public utility buses.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, anim na bus at dalawang military trucks ang itinalaga ng ahensya para maserbisyuhan ang mga stranded na pasahero kada umaga, simula 5:00 ng madaling-araw hanggang 8:00 ng umaga.
Ihahatid ang mga pasahero sa Welcome Rotunda.
“We received reports that passengers are waiting for buses along the road itself,” ani Artes.
Dagdag nito, “We will deploy our Libreng Sakay buses as long as it is needed to help the public on their daily commute.”
Habang umiiral ang libreng sakay, sinabi ni Artes na makikipagpulong sila kasama ang mga kinauukulang ahensya at awtoridad upang makabuo ng long-term solution para maibsan ang paghihirap ng mga pasahero.
“We are looking for a long-term solution and will coordinate with city bus operators and Land Transportation Franchising and Regulatory Board and Department of Transportation for a long-term solution to increase the number of PUBs plying Commonwealth Avenue,” saad pa nito.
Diin pa ni Artes, dapat nang masolusyunan ang kakulangan ng PUB bago sumapit ang Hunyo kasabay ng posibleng pagbabalik ng face-to-face classes.
Aniya, “By providing them additional public transportation, we can keep them off the road to lessen impact on traffic and keep them safe, as well.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.