DPWH, magsasagawa ng weekend road repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (April 8).

Narito ang mga maaapektuhang kalsada:
1. EDSA-Quezon City NB pagkatapos ng P. Tuazon- Araneta Central A (1st lane mula da sidewalk) Cubao MRT Station – Aurora Blvd. (2nd lane mula sa sidewalk) pagkatapos ng Aurora Blvd. – end of tunnel sa tabi ng Central Wall
2. C-5 Road Makati City NB sa bahagi ng C-5 Northbound (inner lane)
3. EDSA-Caloocan SB pagkatapos ng A. De Jesus St. (3rd lane mula sa sidewalk)
4. EDSA NB bago at pagkatapos ng Gate 3 Camp Aguinaldo (1st block mula sa Bus Carousel)
5. C.P. Garcia Ave. sa harap ng Mineralogy (1st block mula sa sidewalk)
6. EDSA SB EDSA Service Road corner Timog Avenue hanggang Kamuning Road
7. C-5 Road sa Pasig Blvd. Southbound, sa bahagi ng Doña Julia Vargas Westbound, sa C-5 Road Southbound

Payo sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Muli namang madadaanan ang mga apektadong kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (April 11).

Read more...