DENR, binabantayan ang lebel ng tubig sa Angat Dam

By Chona Yu April 08, 2022 - 02:03 PM

Binabantayan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pamamagitan ng National Water Resources Board (NWRB) ang lebel ng tubig sa Angat Dam pati na rin ang operasyon nito sa gitna ng low-set water level ng dam.

Ayon kay Acting Environment Secretary Jim Sampulna, ang mga miyembro ng NWRB Technical Working Group in the Management of Water Supply ng Angat Dam ay mahigpit na binabantayan ang water elevation ng dam upang maiwasan ang isang water crisis lalo na sa panahon ng tagtuyo o dry season.

“Through the NWRB, we have already laid down preventive measures such as cloud seeding so that the public, especially those in Metro Manila, is assured of a steady water supply with the ongoing COVID-19 pandemic,” ayon kay Sampulna.

Noong Abril 7, 2022, ang water elevation sa reservoir ay tumaas ng bahagya sa 194.15 meters mula sa pinakamababang elevation sa taon na 190.63 meters noong Abril 4, 2022.

Ang pagtaas ay dahil na rin sa shear line or tail-end of a cold front at low pressure area sa rehiyon ng Mindanao.

Ang malawakang pag-ulan na naranasan sa malaking bahagi ng Luzon ay inaasahang magpapataas pa ng lebel ng tubig sa Angat Dam sanhi ng “inflows from runoff water.”

Ayon sa latest rainfall forecast at Angat Dam water level simulation, the pinakamababang lebel ng tubig sa dam ay aabot sa 183.98 meters sa Hunyo. Dahil dito, maaaring hindi aabot sa nakatakdang minimum operating water level na 180 meters.

TAGS: AngatDam, DENR, InquirerNews, NWRB, RadyoInquirerNews, WaterCrisis, AngatDam, DENR, InquirerNews, NWRB, RadyoInquirerNews, WaterCrisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.