Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Surigao del Sur, Biyernes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang sentro ng lindol sa layong 49 kilometers Northeast ng Burgos bandang 1:04 ng hapon.
May lalim ang lindol na walong kilometro at tectonic ang origin.
Dahil dito, naitala ang Intensity 2 sa Bayabas, Surigao Del Sur.
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.