Matandang babae patay sa sunog sa Maynila

By Jan Escosio April 08, 2022 - 09:40 AM

Namatay ang isang matandang babae sa sunog na tumupok sa isang residential building sa Sta. Cruz, Maynila ngayon umaga.

Sinabi ni Fire Supt. Leo Andiso ng Manila Fire Department ala-5:40 nang sumiklab ang sunog sa gusali na nasa kanto ng Alonzo at Benavidez streets.

Hindi na nakalabas ng bahay ang hindi na kinilalang 70-anyos na biktima bagamat sinabi na hirap na itong maglakad.

Nadamay pa ang siyam na bahay at 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa insidente.

Sinasabi na nagsimula ang sunog sa gilid ng isa sa mga natupok na bahay at kumalat na ang apoy.

Makalipas ang halos dalawang oras, naapula na ang apoy.

May isang lalaki din ang nasugatan sa pagtatangka nito na magsalba ng mga gamit.

TAGS: Fire Supt. Leo Andiso, manila, matandang babae, patay, sunog, Fire Supt. Leo Andiso, manila, matandang babae, patay, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.