Kailangan irespeto ang kagustuhan ng bawat isa para sa kanilang sarili.
Sinabi ito ni Sen. Christopher Go kaugnay sa mga pagbatikos sa mga panawagan na gawin mandatory na ang pagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19.
Ngunit paalala lang din ni Go na obligasyon ng bawat isa na gawing ligtas para sa lahat ang komunidad.
Kailangan aniya ay mag-doble kayod ang mga kinauukulang ahensiya para mabago ang isip ng mga nagdududa sa bakuna.
Kailangan din, dagdag pa ng senador, na pagsumikapan pa ng husto na madala sa kasuluksulukan ng bansa ang mga bakuna.
“My position remains the same. While it may be ideal to make vaccination mandatory, the government at all levels must exert more effort to convince the unvaccinated to get their COVID-19 shots as soon as possible,” sabi pa ni Go.