Obligasyon ng bawat isa na maging ligtas ang komunidad – Sen. Bong Go

By Jan Escosio April 08, 2022 - 08:57 AM

Kailangan irespeto ang kagustuhan ng bawat isa para sa kanilang sarili.

Sinabi ito ni Sen. Christopher Go kaugnay sa mga pagbatikos sa mga panawagan na gawin mandatory na ang pagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

Ngunit paalala lang din ni Go na obligasyon ng bawat isa na  gawing ligtas para sa lahat ang komunidad.

Kailangan aniya ay mag-doble kayod ang mga kinauukulang ahensiya para mabago ang isip ng mga nagdududa sa bakuna.

Kailangan din, dagdag pa ng senador, na pagsumikapan pa ng husto na madala sa kasuluksulukan ng bansa ang mga bakuna.

“My position remains the same. While it may be ideal to make vaccination mandatory, the government at all levels must exert more effort to convince the unvaccinated to get their COVID-19 shots as soon as possible,” sabi pa ni Go.

TAGS: COVID-19, mandatory, news, Radyo Inquirer, Senador Bong Go, vaccination, COVID-19, mandatory, news, Radyo Inquirer, Senador Bong Go, vaccination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.