Apat na lider ng NPA patay sa engkuwentro sa Bukidnon

By Jan Escosio April 08, 2022 - 08:55 AM

(Photo: Eastmincom)

Nasawi sa pakikipaglaban sa mga tauhan ng Army 4th Infantry Division at 1st Special Forces Battalion ang sinasabing apat na matataas na lider ng New People’s Army sa Talakag, Bukidnon.

Kinilala ang apat na sina Carlisio Sumalinog, Jovilito Pontillas, Gary Juliana at Jelly Sugnot.

Sinabi ni Eastern Mindanao Command commander, Lt. Gen. Greg Almerol nangyari ang engkuwentro sa Barangay Tikalaan.

Narekober din sa lugar ang 16 na matataas na kalibre ng baril, mga bala at personal na gamit ng mga rebelde.

Ayon pa kay Almerol nagsasagawa ang kanyang mga tauhan ng operasyon nang maganap ang engkuwentro na tumagal ng halos dalawang oras.

Naniniwala ang opisyal na malaking dagok sa mga rebelde ang pagkamatay ng kanilang apat na lider.

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa mga natitirang rebelde sa rehiyon na sumuko at magbalik-loob na sa gobyerno.

TAGS: bukidnon, Carlisio Sumalinog, Gary Juliana, Jelly Sugnot, Jovilito Pontillas, news, NPA, patay, Radyo Inquirer, bukidnon, Carlisio Sumalinog, Gary Juliana, Jelly Sugnot, Jovilito Pontillas, news, NPA, patay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.