Midnight deal sa sugar importation ibinunyag ni Sen. Imee Marcos

Hinikayat ni Senator Imee Marcos si Agriculture Secretary William Dar na ibasura ang planong pag-aangkat ng 350,000 metriko toneladang asukal.

Ayon kay Marcos, inaprubahan na ni Sugar Regulatory Administration chief Hermenegildo Serafrica ang panibagong importasyon.

Sinabi ng senadora na ginawa na ni Dar ang Pilipinas na numero uno sa pag-aangkat ng bigas na lubos na nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka.

Gayundin aniya, nahihirapan na rin ang livestock raisers dahil sa importasyon ng mga imported na karne, maging mga isda at gulay.

“Ang agrikultura at isa ng epiko ng kapalpakan. Please naman huwag ng mag-midnight express deal pa,” sambit ni Marcos.

Read more...