Sen. Leila de Lima maayos ang kalusugan base sa resulta ng medical check-up
Normal ang lahat ng resulta ng isinagawang medical examinations kay reelectionist Senator Leila de Lima sa Manila Doctors Hospital.
Kayat laking pasasalamat ng senadora sa Panginoon dahil maayos ang lagay ng kanyang kalusugan.
“Lumabas na po ang mga resulta ng kakatapos ko lang na annual routine checkup. Sa awa po ng Diyos ay wala pong nakita na nakakabahalang
sakit o seryosong karamdaman. I am well and I thank the Lord for continuously blessing me with good health,” sabi nito.
Pinayagan ng korte si de Lima na sumailalim sa medical check up at lumabas ito ng PNP Custodial Center noong Martes at nagbalik sa Camp Crame noong Miyerkules ng hapon.
Ilan sa mga pagsusuri kay de lima ay chest X-ray, CT scan, bone densitometry, doppler ultrasound, colonoscopy, at mammogram.
Noong 2018 nadiskubre na may ‘liver mass’ ang senadora kayat pinayuhan ito ng kanyang mga doktor na sumailalim sa regular check-up.
Kasabay nito, binuweltahan ni de Lima ang Malakanyang sa naging pahayag ni presidential spokesman Martin Andanar na nangangailangan ng simpatiya ang senadora dahil kandidato ito sa nalalapit na eleksyon.
Diin ng senadora, hustisya ang kanyang kailangan at hindi simpatiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.