Sunog sa isang residential area sa Taguig, naapula na

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Taguig City, Huwebes ng hapon (April 7).

Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), apektado ang sunog ang bahagi ng Kalayaan Street sa Barangay Ususan.

Umabot sa unang alarma ang naturang sunog.

Tuluyan namang naapula ang sunog bang 4:01 ng hapon.

Sa ngayon, inaalam pa kung ano ang sanhi ng sunog.

Iniimbestigahan din kung magkano ang halaga ng pinsala dulot ng sunog.

Read more...