Resulta ng huling Pulse Asia presidential survey, welcome kay Moreno
Welcome kay Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno ang resulta ng Pulse Asia survey kung saan nasa ikatlong puwesto siya.
Ayon kay Moreno, kung susuriin kasi, dumami ang nakuha niyang suporta sa Mindanao region.
Nasa siyam na porsyento ang nakuhang voter share ni Moreno noong buwan ng Marso, mas mataas na siyam na porsyento voter share noong Pebrero.
“Eh di tuluy-tuloy pa rin. Tao pa rin. Basta tayo same goal and focus. Deretso sa tao, more kilometers, more areas, more people, more eyeball. So, ganon lang tayo deretso kami nila Doc Willie, at sampu ng aming mga kasama,” pahayag ni Moreno.
Hahayaan na ni Moreno ang taong bayan na humusga kung sino ang karapat-dapat na iboto.
“Ayoko ng pangunahan ang tao, kayo na lang ang humusga. But I’m very happy whenever I’m in Mindanao, grabe, kahit saan ako magpunta sa Mindanao very warm ang reception. Sa airport pa lang nagugulat na ako e. But the thing is at least there is always time to reach more areas kasi malaki ang Pilipinas. Hindi pa naman natin naiikot lahat so, what matters most is that tuloy-tuloy lang ang pag-iikot,” pahayag ni Moreno.
Sa ngayon, nangunguna pa rin sa mga survey si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kasunod si Vice President Leni Robredo.
Nangangampanya sa Zamboanga si Moreno.
“We will go around and talk to people. But in the past, still yung security threat, yung peace and order but so far payapa naman itong lugar na ito but again I’ll go around, talk to people, learn from them. Matuto tayo sa kanila, ano yung kailangan nila o ano yung mga kakailanganin dito,” pahayag ni Moreno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.