WATCH: IM Pilipinas tuloy ang suporta kay Moreno, nagdaos ng ‘Iskowentuhan’ community service program
Matagumpay ang pagdaraos ng “ISKOwentuhan sa Barangay” sa pangunguna ng Ikaw Muna (IM) Pilipinas, ang pinaka-malaking volunteer organizing network na nagsusulong ng presidential candidacy ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, kung saan mahigit 1,800 indibidwal ang nakatanggap ng direktang tulong alinsunod sa panuntunang ‘Tao Muna’ ng Aksyon Demokratiko standard bearer.
Bunsod ng matinding dagok sa buhay ng mga Pilipino dulot ng COVID-19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, tuluy-tuloy ang pagbibigay-tulong ng grupong IM Pilipinas bilang pagtugon na rin sa panawagan ni Moreno na direktang mabigyan ayuda ang taumbayan.
“We know the ill effects of the Covid19 pandemic and the spike in prices of basic commodities to the lives of our people, that is why we always heed to the Tao Muna program of Yorme Isko Moreno… kailangan kasi talaga na direktang makarating sa ating mga kababayan ang tulong maliit man o malaki,” pahayag ni IM Pilipinas Central Luzon convenor and Pampanga Board Member Jun Canlas.
“As what we have started months ago, we are bent on providing assistance to our kababayans especially those underprivileged to keep them going in their day to day lives. With the so many challenges we have gone through, we are committed to help as what Yorme Isko is saying, Tao Muna,” paliwanag ni Canlas.
Ipinagpapatuloy ng IM Pilipinas ang community service programs na kanilang nasimulan noong nagdeklara ng kandidatura si Moreno para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Ang program na may tinawag nilang “ISKOwentuhan sa Barangay” ay naglalayong pagaangin ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng iba’t ibang program ana nakatuon sa iba’t-iabng sector sa bansa.
Ang lahat ng ito ay kaakibat ng ‘pro-people programs’ ni Yorme Isko Moreno na nakatutok sa “buhay and kabuhayan” ng mamamayan.
Kabilang sa programa ng IM Pilipinas nitong nakaraang lingo ang pamamahagi ng gas coupon para makatulong sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa kanilang pamamasada ngayon na napakataas na ng presyo ng gasoline. Ito ay naganap sa mga bayan ng Taguig, San Juan, Pampanga, Quezon Province, Tarlac, Zambales at Rizal Province sa pakikipagtulungan ng Phoenix Petroleum Philippines, Inc.
“We remain committed to execute programs being pushed by Yorme Isko Moreno… to help in making the lives of our people easier especially these trying times. We believe that this fuel subsidy that we offered to our TODA members adheres to Yorme’s call,” sabi ni IM Pilipinas Tarlac Chapter head Patrick Agustin.
Ang IM Pilipinas BilisKilos Mobile Team ay roving propaganda group ng IM Pilipinas na nagsasagawa ng aktibidad sa grassroots level upang direktang malaman ang akteal na sitwasyon ng mga tao.
Sa simula ito ay nakatutok sa 13 na lugar sa buong bansa. Ang BilisKilos Mobile Team ay kadalasang nagdaraos ng programa sa matataong lugar tulad ng Public Market, Church, Plaza at mga lugar pasyalan.
Bukod sa groceries at kanilang tampok na ayuda, namimigay din ito ng flyers at iba pang campaign materials habang pinatutugtog ang official jingle ni Isko Moreno ang ng Team BilisKilos.
Nakatakdang magdaos ng katulad na programa ang IM Pilipinas sa Butuan City sa Mindanao at Nueva Ecija sa Luzon sa darating na linggo.
“We will continue with our pro-people programs to provide assistance to our kababayans in our humble ways. We believe that our people deserve a better life considering the major challenges we all have gone through these past years,” ayon kay IM Pilipinas Pampanga convenor Rio Cunanan.
“Sa panahong ito ng pagkakawatak-watak bunsod ng eleksyon, kailangan pa rin ang pagkakaisa sa ating mamamayan upang manatiling malakas sa pagharap sa magkakasunod na mga pagsubok,” he added. “Tao talaga dapat ang una sa lahat,” giit ni IM Pilipinas Rizal province convenor Rex Certeza.
“Kami po dito sa Mindanao ay patuloy pa ring buo sa pagsasagawa ng mga aktibidad base na rin sa programa ni Yorme Isko na direktang iparating ang tulong sa tao,” ayon naman kay IM Pilipinas Caraga region head Alain Buque.
“Marami pa tayong pagkilos na gagawin upang masiguro ang mas maayos na buhay ng ating mga kababayan. Ito naman ang uri ng pamamahala na nais ibigay ni Yorme Isko Moreno sa ating lahat. May community service tayo isasagawa dito sa Nueva Ecija at sa iba pang bahagi ng ating bansa,” ani IM Pilipinas Nueva Ecija chapter head Ray Sarmiento.
WATCH: IM Pilipinas mounts unwavering support for Aksyon Demokratiko Presidential bet Isko Moreno, continues ‘Iskowentuhan’ community service program | @chonayu1 #VotePH #OurVoteOurFuture pic.twitter.com/rlFySnwTLi
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) April 7, 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.