Palasyo, pumalag sa banat ni Lacson na kahihiyan sa susunod na henerasyon ang ipapamanang utang ng bansa
Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa banat ni presidential candidate Senador Panfilo Lacson na kahihiyan para sa susunod na henerasyon ang utang na ipamamana ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay acting Presidential spokesman Martin Andanar, bahagi lamang ng election campaign rhetoric ang ginagawa ni Lacson.
Sa naunang pahayag ni Lacson na mahirap na dalhing legasiya ang pagkakaroon ng malaking utang.
Ayon kay Lacson, nasa P5.9 trilyon ang utang ng Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III at lumobo sa P12.09 trilyon sa panahon ni Pangulong Duterte.
“Be that as it may, President Rodrigo Roa Duterte has already addressed this issue saying that there is a need for government borrowing to finance the Administration’s programs and projects,” pahayag ni Andanar.
“What is important, the Chief Executive underscored, is there are no irregularities in government spending,” dagdag ng kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.