Supporters ng TRoPa pinag-iingat sa ‘split’ ng Robredo – Pangilinan tandem

Binalaan ni vice presidential aspirant Kiko Pangilinan ang mga sumusuporta sa kanila ni Vice President Leni Robredo na huwag paniwalaan ang mga ipinapakalat na naghiwala na silang dalawa.

“Huwag ho kayong maniniwala doon sa may nagsasabing Rosa (Robredo-Sara). Gusto ba ninyong iba ang magiging ka-tandem?” sabi ni Pangilinan sa kanilang pagdalawa sa San Jose, Mindoro Occidental.

Paalala lang din niya na maaring may mga gustong sumingit at iba ang nais na maging susunod na pangulo ng bansa.

Kinumpirma ni Pangilinan na sinadya niyang hindi dumalo sa campaign sortie sa Borongan City dahil tanging ang kandidatura lamang ni Robredo ang sinusuportahan ng mga lokal na pulitiko.

Nabanggit din nito na handa din siyang magsakripisyo para lamang matiyak ang panalo ni Robredo at ang pahayag na ito ni Pangilinan ay umani ng papuri at respeto mula sa kanilang mga tagasuporta.

“In order to ensure that the local political leaders came out in full force to show public support for her bid, I agreed not to attend. In certain localities, to borrow the term, for Leni to increase, I must decrease,” dagdag pa ni Pangilinan.

Read more...