Ping Lacson suportado na ‘tax free’ ang election duty pay ng mga guro

Maliit ngunit napakahalaga na buo na makukuha ng mga public school teachers ang kanilang honoraria at allowances mula sa pagsisilbi sa araw ng botohan.

Ito ang sinabi ni independent presidential candidate Ping Lacson.

“It is the least that the government can give them as incentive for the extra and thankless-yet patriotic,” aniya.

Kailangan lang na matiyak aniya na matatanggap ng mga guro ang bayad sa kanilang pagsisilbi sa araw ng eleksyon sa tamang panahon.

Samantala, pinuri ni Lacson ang Comelec sa mabilis na pagtugon sa mga panawagan na hindi maisama sa ‘election spending ban’ ang fuel subsidy program.

“This is a great deal to PUV drivers  and operators, as well as farmers and fisherfolks who are dealing  with the continues rise  in price of oil,” sabi nito.

Read more...