Pangulong Duterte ipinatutuwid sa Kongreso ang inayawan na Security of Tenure Bill

By Chona Yu April 07, 2022 - 10:32 AM

Isa mga ipinangako ni Pangulong Duterte noong 2016 ay tutuldukan ang malawakank kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa at noong 2019 nagpasa ang Kongreso ng ‘Endo Bill.’

Ngunit maraming probisyon ng panukalang-batas ang inayawan ni Pangulong Duterte kayat umaasa ito na maitatama ang mga ito.

Tugon ito ng Malakanyang  sa sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na hindi naman natupad ang pangako ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni presidential spokesman Martin Andanar, ang isinumiteng panukala ng Kongreso ay magbubukas lamang ng pintuan para sa ‘labor contracting.’

“While it is true that President Rodrigo Roa Duterte vetoed the Security of Tenure Bill in 2019, as mentioned by Senate President Vicente Sotto III, the Chief Executive explained that the version submitted by Congress unduly broadens the scope and definition of prohibited labor-only contracting, effectively proscribing forms of contractualization that are not particularly unfavorable to employees involved,” paliwang pa ni Andanar.

Dagdag pa nito, umaasa pa rin si Pangulong Duterte na babaguhin ng Kongreso ang mga ibinasurang probisyon alang-alang sa mga manggagawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.