Tito Sotto: Survey firms dapat din masingil sa paghihirap ng mamamayan
Pinasaringan ni vice presidential aspirant Tito Sotto ang survey firms dahil sa pagpapalabas ng survey results na sa kanyang palagay ay pagpapakondisyon sa isip ng mga botante.
Aniya kung ginagamit ang surveys para sa panalo ng mga kandidato makatuwiran lang din na pananagutin ang mga ito sa patuloy na paghihirap ng milyong-milyong Filipino.
“Yung mga nanalo sa survey noong nakaraang eleksyon, may nagawa ba para umunlad ang bansa? May katiyakan ban a mababawasan ang mahirap kung sila nga ang mananalo?” ang makahulugang pagtatanong ni Sotto.
Dagdag tanong pa nito; “ Ano ang kanilang naging ambag para umunlad ang buhay ng mga Filipino?”
Sa pinakabagong Pulse Asia survey result, pumapangalawa si Sotto kay Mayor Sara Duterte sa hanay ng mga tumatakbo sa pagka-pangalawang pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.