Pagpapatuloy ng distribution ng fuel subsidy tamang hakbang – Sen. Grace Poe
Napapanahon na hakbang, ayon kay Senator Grace Poe, ang pagpayag ng Commission on Elections (COMELEC) na maipagpatuloy ang pamamahagi ng fuel subsidy sa sektor ng pampublikong transportasyon.
Una nang pinagbigyan ng Comelec ang apila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi masakop ng ‘election spending ban’ ang pamamahagi ng ayuda sa mga drivers at operators.
Kasabay nito, hinikayat naman ni Poe ang gobyerno na madaliin ang pamamahagi ng ayuda sa pamamagitan nang ‘e-payments’ para sa mas mabilis at maayos na distribusyon.
Dagdag pa ng senadora, malaking tulong din ang paggamit ng national ID para sa mabilis na pagkakakilanlan ng mga benipesaryo.
“Help is most effective when it reaches our people in their time of need,” diin ni Poe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.