Apat na bansa na ang kumikilala sa vaccination certificates ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ni presidential spokesman Martin Andanar at aniya ang apat na bansa ay ang Mexico, Panama, Slovak Republic at Bangladesh.
Paliwanag nito at ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF), ang vaccine certificate ay magagamit para sa arrival quarantine protocols at interzonal/intrazonal movement.
Kasunod ito ng direktiba ng Malakanyang sa Bureau of Quarantine, Bureau of Immigration at Department of Transportation (DOTr) na kumilos para kilalanin sa ibang mga bansa at vaccination certificate ng Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES