LPA naging tropical depression, Holy Week posibleng ulanin

By Jan Escosio April 07, 2022 - 08:56 AM

Lumakas at naging tropical depression na ang binabantayang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.

Sinabi ni weather specialist Grace Castañeda posible na sa darating na Lunes Santo ay pumasok na ito sa PAR.

Huling namataan ang masamang panahon sa distansiyang 2,435 kilometro silangan ng Mindanao.

Kumikilos ito sa direksyon na kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras taglay ang lakas ng hangin na aabot ng 55 kilometro kada oras at bugso na aabot hanggang 70 kilometro kada oras.

Ngayon araw, malaking bahagi ng bansa ang makakaranas na maulap na papawirin na may pag-ulan dahil sa isan pang low pressure area sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Namataan ang isa pang LPA 130 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at maaring maging maulan sa Mimaropa Region, Bicol Region, Quezon Province, Visayas at Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.