Bulkang Taal, muling nakapagtala ng volcanic earthquake

Nakapagtala ang Taal Volcano Network o TVN ng isang volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, may naganap na ‘upwelling’ ng mainit na volcanic gas sa lawa ng main crater na lumikha ng plume na may taas na 600 metro na napadpad sa Timog-Kanluran.

Nagbuga rin ang bulkan ng sulfur dioxide na 265 tonelada kada araw noong April 5.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island (Permanent Danger Zone o PDZ) at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel.

Ipagbabawal din ang lahat ng aktibidad sa Taal Lake, at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa naturang bulkan.

Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang explosive eruption, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, o accumulation ng lethal volcanic gas.

Read more...