Naitalang kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa higit 494.20 milyon

Manila PIO photo

Pumalo na sa 494.20 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 494,205,559 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 81,900,012 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,030,925 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,040,129 naman ang kaso sa Brazil habang 26,228,521 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 21,956,282
– United Kingdom – 21,410,305
– Russia – 17,926,104
– Italy – 14,966,058
– Turkey – 14,919,591
– South Korea – 14,553,644
– Spain – 11,578,653

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,183,586 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 429,801,004 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...