Kasunod niya pa rin si Antique Rep. Loren Legarda at naungusan sa ikatlong posisyon ni Taguig Rep. Allan Peter Cayetano si dating Public Works Sec. Mark Villar, na nasa ikalima ng puwesto.
Sa pagitan nila sa ikaapat na puwesto si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.
Sinundan sila ni Sen. Win Gatchalian (6th), Senate Majority Leader Migz Zubiri (7th) Sen. Joel Villanueva (8th), actor Robin Padilla (9th) at dating Vice President Jojo Binay (10th).
Sa huling dalawang posisyon, nalaglag mula sa ika-12 puwesto si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista (14th) at pinalitan siya ni dating Sen. JV Ejercito, na sinundan sa ika-11 puwesto ang kapatid na si dating Sen. Jinggoy Estrada.
Nananatili sa pang-13 puwesto si Sen. Risa Hontiveros.
Nasa pang-15 hangang pang-20 puwesto sina dating Sen. Gringo Honasan, Sen. Richard Gordon, dating Sen. Sonny Trillanes, dating PNP Chief Guillermo Eleazar, dating Defense Sec. Gibo Teodoro at dating presidential spokesman Harry Roque.