BBM una pa rin, VP Leni umangat ang numero – Pulse Asia survey

By Jan Escosio April 06, 2022 - 12:51 PM

Nangunguna pa rin si dating Senator Bongbong Marcos Jr., sa hanay ng mga nangangarap na magiging susunod na pangulo ng bansa.

Base sa huling Pulse Asia survey, na isinagawa noong Marso 17 hanggang 21,  bumaba ng apat na puntos sa 56 porsiyento ang pumili kay Marcos.

Samantala, umangat ng siyam na puntos naman si Vice President Leni Robredo, mula sa 15 porsiyento noong Pebrero ay naging 24 porsiyento.

Nanatili naman si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa ikatlong puwesto sa nakuha niyang walong porsiyento, na bumaba pa ng dalawang puntos.

Bumaba din ng dalawang puntos ang nasa ikaapat na puwesto na si Sen. Manny Pacquiao sa nakuha niyang anim na porsiyento mula saw along porsiyento noong Pebrero.

Pang-lima naman si Sen. Ping Lacson sa nakuhang dalawang porsiyento.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.