Nagpapatuloy ang pagsasagaw ang HIV testing sa mga detenido sa Quezon City Jail – Male Dormitory.
Sinabi ni Jail Warden Michelle Bonto noong nakaraang Lunes sinimulan ang testing at aniya tatagal ito hanggang sa Biyernes, Abril 9.
Aniya kada araw, 250 detenido ang sumasailalim sa HIV testing at lahat ng mga nasuri ay negatibo ang resulta.
Katuwang ng QC Jail sa programa ang Bernardo Social Hygiene Clinic.
Dagdag pa ni Bonto kapag may nag-positibo, tiyak naman na bibigyan ito ng karampatang atensyong-medikal.
Tiniyak pa ng opisyal na magiging regular na ang HIV testing sa hanay ng mga detenido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.