Taas-presyo ng mga tinapay paghandaan bilin ng isang solon
Pinayuhan ng isang opisyal ng Mababang Kapulungan ang publiko na paghandaan ang posibleng pagtaas ng presyo ng mga tinapay.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda (2nd District) ito ay dahil sa inaasahang kakapusan ng suplay ng trigo, na ginagamit sa paggawa ng arina, bunga ng nagpapatuloy na digmaang Ukraine – Russia.
Dagdag pa ng namumuno sa House Committee on Ways and Means na kailangan ay tiyakin ng gobyerno na may sapat na suplay pa ng trigo dahil na rin inaasahan na tataas ang presyo nito.
Aniya nakikipag-usap na siya sa Department of Science and Technology para sa mga maaring ipalit sa trigo sa paggawa ng tinapay.
Sinabi pa ni Salceda makakabuti kung sasahugan ang mga tinapay ng mga bitamina at mineral upang magmahal man ang mga ito ay nakakatiyak na may dagdag na nutrisyon.
Naniniwala din ang mambabatas na ang problema sa isyu at presyo ng trigo ay sasaluhin na ng susunod na administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.