DOH: COVID 19 vaccines may talab kontra Omicron XE

Tiwala ang isang miyembro ng Department of Health – Technical Advisory Group na may bisa ang COVID 19 vaccines kontra sa Omicron XE.

Paliwanag ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvaña ang Omicron XE ay kombinasyon ng sub-lineages ng Omicron, ang BA.1 at BA.2 at ang spike protein nito ay ang BA.2.

Aniya karamihan sa mga bakuna ay target ang BA.1 at BA.2 kayat aniya hindi nila inaasahan na mas mataas ang infection rate ng mga tinatawag na ‘recombitants.’

Ngayon aniya ay binabantayan nila ang pagpasok ng Omicron XE bagamat hindi nila inaasahan na mas grabe ang mga sintomas nito kumpara sa BA.1 at BA.2

Napa-ulat na mas mabili maihawa ang Omicron XE, na unang nadiskubre sa Bangkok, Thailand.

Read more...