“I remain neutral.”
Ito ang muling inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa nalalapit na 2022 National and Local Elections sa May 9.
Sa ‘Talk to the People,’ Martes ng gabi (April 5), sinabi ng pangulo na wala siyang ineendorsong kandidato sa pagka-presidente.
“Ang akin kasi, presidente ako tapos magkampi ako ng isa. Magdududa na ginagamit ang resources ng gobyerno. Magulo na,” saad nito.
Dagdag ng Punong Ehekutibo, “If you’re a president and you have the resources, anuman ang gawain mo, masuspetsa ang mga tao na ginagamit mo para sa isang kandidato, even if it’s not true.”
Nauna nang inihayag ng Pangulo na tanging ang anak na si Vice Presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kaniyang iboboto sa halalan.
MOST READ
LATEST STORIES