Evacuation centers sa bawat lalawigan, lungsod at bayan nais ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio April 05, 2022 - 05:11 PM

Muling isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpasa ng panukala na magiging daan para sa pagpapatayo ng evacuation centers sa bawat munisipyo, lungsod at lalawigan sa bansa.

Ipinaliwanag niya na layon ng inihain niyang Senate Bill No. 1228 o ang Mandatory Evacuation Center Act na matiyak na ang mga biktima ng anumang kalamidad ay may masisilungan para sa kanilang kaligtasan.

“When disaster strikes, the Filipinos, especially ‘yung mga underprivileged, suffer. In most instances, this disaster renders their homes unlivable, leaving the victims without roofs. Ibig sabihin nasisira ang mga bahay, marami pong apektado,” aniya.

Katuwiran niya, kadalasan ay hindi nagagamit ang mga paaralan para sa pag-aaral dahil ginawa na itong evacuation centers.

Nais din ni Go na magtatag ng Department of Disaster Resilience.

Kasama si Go nang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong tayong evacuation center sa Mataas na Kahoy sa Batangas.

TAGS: BongGo, Disaster Resilience, Evacuation center, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BongGo, Disaster Resilience, Evacuation center, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.