Ping Lacson, itinuro ang Bohol mayor na nagpaliwanag sa pagbusisi sa national budget
Isinapubliko na ni independent presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na ang masusing pagbusisi niya sa national budget ay utang niya kay Mayor Joseph Rañola ng Jagna. Bohol.
Ginawa ni Lacson ang pag-amin sa pagbisita nila ng kanyang running mate na si Vice Presidential candidate Vicente “Tito” Sotto sa Bohol.
“There’s one person who taught me everything. The Filipino people owe it to him na may Sen. Lacson sa Senado na nagtitiyaga at nagkakalkal ng budget,” ani Lacson.
Sinabi ni Lacson na si Rañola ang nagpaliwanag sa kanya ng kahalagahan ng budget para sa taumbayan.
Dagdag pa nito, ang alkalde rin ang nagbilin sa kanya na bigyan ng sapat na budget ang local government units upang matulungan sila na magpatupad ng kani-kanilang proyekto.
Sinabi ni Lacson na dahil sa kanyang matiyagang paghihimay sa pambansang budget, nakatipid ang taumbayan ng halos P300 bilyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.