Mga empleyado sa Metro Manila, may dagdag-sahod

By Kathleen Betina Aenlle May 20, 2016 - 03:36 AM

 

BPOInaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Procutivity Board – National Capital Region (RTWPB-NCR) ang pagkakaloob ng dagdag sa sahod ng mga kumikita ng minimum wage sa Metro Manila.

Sa ilalim ng bagong kautusan, ang mga kumikita ng minimum wage sa Metro Manila ay makakatanggap ng dagdag na P10 na cost of living allowance (COLA) sa kanilang arawang sahod, habang ang naunang P15 na COLA ay isasama naman sa basic pay.

Dahil dito, P454 na ang arawang sahod ng mga nagta-trabaho sa industriya ng agrikultura, manufacturing at retail.

Para naman sa mga nagta-trabaho sa non-agricultural sector, sila ay makakapag-uwi na ng P491 na arawang sahod.

Nilinaw naman nila na ang bagong wage rates ay sumasakop lamang sa unang otso oras ng trabaho, at hindi na hihigit pa doon.

Mararamdaman na ng mga empleyado ang bisa ng wage hike sa Metro Manila, 15 araw matapos itong mai-lathala sa mga national circulation na pahayagan./Kathleen Betina Aenlle

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.